9.05.2008

*insert title here*


Ako ay nasa kolehiyo na at tila kakaiba ang sistema dito sa UST... Ang ibig kong sabihin ay hindi kami gumagalaw mula isang kwarto o building papunta sa isa. Nasa isang kwarto lang kami, walang palipat-lipat. Aba'y kawawa naman ang aming mga professor kasi sila pa yung napunta sa amin. Tignan mo yung prof ko sa filipino, galing pa siyang CFAD kung saan kabilang dulo yun ng campus. Kaya siya laging nale-late sa klase ay itinatakbo niya mula doon papunta sa amin. Pag naulan takbo pa rin siya kahit walang payong. Haay sir, kaya pambihira nalang akong makinig sa iyo e, ayan lagi mo pa tuloy akong nasisita. Pagpasensyahan niyo na ako dahil lagi akong dinadaldal ng katabi ko *C CARL ERNEST RUIZ PO IYON GINOO!!* .

Balik tayo sa immobilization ng aming unibersidad. Daig pa nung nasa high school ako e. Nung high schoo
l ako sa MunSci *ehem* Muntinlupa Science High School *ehem* e mobile kame as in yung kami ang nalipat ng room. May sariling kwarto ang English, puro libro, kung anu anong related sa literature, meron pa nga doong mapa ng pinagdaanan ni FRODO sa LOTR . Sa Calculus room naman, puro mathematician. Yung mga tipong mumurahin na talaga ng mga kaklase ko once na i-introduce sa aming ng Sir namin yung mga contributions nila na tatalakayin namin . Meron kaming Physics room at iba naman ang Chemistry at Research lab. Galing noh? At least kapag ganun mapepersonalize ng mga guro ang room nila Sa UST hindi ganoon eh. Sayang masaya sana ang ganun, gusto ko kasi iba iba ang makakasalamuha ko parang sa UP. HINDI KAYA MAGKASAWAAN KAMING LAHAT SA PAGMUMUKA NG ISA'T ISA? Ako nga hindi pa tapos ang isang sem sawang sawa na ako sa pagmumuka ng mga kaklase ko e hmpf *pati sa ugali* aruuy PEACE!!

Kung tutuusin, sosyal
nga yung kwarto namin e. Nakakatuwa, may projector, may microfone may laptop at may speakers. Medyo exaggerated nga lang ng konti, ay hindi pala konti, EXAGGERATED talaga ang pagpapalamig sa klasrum. Biro mo, dalawa ang aircon na bukas at nasa 23 deg. C pa pareho. Tapos sinabayan pa ng dalawang electric fan na nakabukas na nasa no. 3 siguro. ANG LAMEEG E!!! KASO MUKANG NANG-AASAR PA YUNG IBA KONG MGA KAKLASE E. Paano ba nama kasi, ako lamig na lamig na doon cla NAGPAPAYPAY PA! Hindi ba nila nasip na pwede namang babaan nalang uli ang temperature ng aircon pero sabagay mas giginawin pa ako nun. Aba'y langya, anak ng aircon talaga! De-PayPay pa..XD *whoops bato bato sa langit ang matamaan huwag magagalit!*

^ hindi yan classroom namin, tanga lang magsasabi nun XD JOLLIBEE YAN!! JOLLIBEE DAPITAN SA MAY TABI NG PUBLISHING HOUSE NG USTE..XD

Kakaloka sa UST pag umulan! Biro mo, naka-heels ako tapos nakastockings tapos naka-palda *hinuhulaan mo kung ano course ko noh?* tapos biglang babaha doon!! Noong una nagtaka ako kung bakit ang dami daming puno doon, nagbabaha pa rin. Sabi sa akin ng Daddy ko *yung tatay talaga* na pababa raw yung campus, as in may declination daw dun sa campus mismo kaya nagkakaganun. Tama ba? Ewan ko, lahat naman ng sabihin ng daddy ko pinapaniwalaan ko e. haha.

Biro mo yun, ganda ganda ng porma ko tapos naka-make-up pa ako tapos makikita mo kong naglalakad sa baha na hanggang tuhod ang lalim. hahaha. HUWAG MO NANG I-IMAGINE!! Isang beses napilitan talaga akong mag-g
anoon, PINALAKPAKAN AKO NG MGA ENGR NUNG DUMAAN AKO SA BLDG NILA!!! Sabagay katawa-tawa nga naman. Napaghalataang first year tuloy ako.

Namimiss ko Honey ko. Sana makalipat na siya sa Manila para pag nag-baha, may susundo sa akin. Nakakamiss din ang hug ng isa kapag sobrang lamig at kinakailangan mo siya. *bat kaya bigla nalang ako nagchange topic?* NEVERMIND.






As far as I know, langyang UST yan sana nag UP nalang aq, PASADO NAMAN AKO...hahaha...

9.03.2008

Kompyuter

Ito ang isa sa mga pinakamatulunging bagay na naidulot ng teknolohiya. Mula sa pagkakaimbento ni Konrad Zuse ng Z1 computer hanggang sa mga quadro core na mga laptop ngayon. Sa panahon na ito, hindi ka "in" kapag wala kang kompyuter o kaya'y hindi ka marunong gumamit nito. Kahit na ang kompyuter mo ay pentium I lang ay hindi na mahalaga iyon basta may masabing may kompyuter ka. Kapag bumisita nga lang mga kaibigan mo ay huwag mo nalang pagamitin sa kanila at paniguradong mababagalan lang sila.

Napakaraming bagay ang magagawa mo sa isang kompyuter. Pwede kang mag-type ng assignment o kaya ng project o kaya mga trip trip mo lang. Pwede ka ring maglagay at mag-edit ng mga litrato na nakuhanan mo sa pamamagitan ng iyong cellphone o kung mayaman ka, digicam (kahit na may camera naman ang cellphone niya, bumili pa rin ng digicam). Pwede kang mag-download at magpatugtog ng mga nakasasabog tengang mga kanta hanggang sa sumabog na mismo ang speakers mo (mayaman ka naman kaya bibili ka rin ng bago at pasasabugin mo lang din ulit and so on and so forth). At ang numero unong maaring magawa sa kompyuter lalung lalo na kapag wala kang magawa ay maglaro ng mga online games (yun ay kung may internet ka at kapag wala, mag-pc shop ka na lang para maexperience mo rin naman, kawawa ka naman). Ang mga online games ngayon ay sobrang HARDCORE na dahil ito yung mga tipong adik na adik ka na at laro ka pa rin ng laro hanggang sa mamaga at magdugo na ang mga daliri mo at ang mga piyesa ng keyboard mo ay isa isa nang nagtatanggalan. Huwag kang mag-alala, mapapalitan mo naman ang keyboard mo e, kaso mahirap makahanap ng daliring puwedeng ipalit sa mga naputol na daliri mo.

Bakit kaya sa panahong ito, nakasalalay na lahat ng maari kong gawin sa isang kompyuter sa internet? Kapag manonood ng palabas, sa youtube. Kapag mag-da-download ng kanta, sa limewire kaso puro virus kaya frostwire (hindi po ako nagaadvertise ha). Kapag may ireresearch, hindi na kailangan pang pumuntang library kasi sayang pa pamasahe, i-GOOGLE mo nalang yan! At eto ang malupit, free lahat ito. Wala kang gagastusin kundi oras dahil baka magdamag ka nang nakaupo dian. At meron din mga FREE TO PLAY online games.

Sa dinami daming kompyuter dito sa bahay namin, hindi ko maintindihan kung bakit walang nagamit ng mga iyon para gumawa ng assignment at mga project. Tatlo kaming magkakapatid at ako nga lang ata nagamit nun para sa academics ko. Mas pinili pa talagang gawin iyon manually ng mga kapatid ko at sabay maglalaro ng online game. Multi-tasking kumbaga. Kadalasan pa nga, iisang laro lang lalaruin namin sabay sabay tapos magkikita kita sa isang lugar sa laro tapos magpapatayan kaming mga magkakapatid. Masaya na kami dun! Stress relief pa nga nadudulot sa akin e. Biro mo? Kahit sa laro nalalamangan ko pa yung dalawa kong kapatid na lalake? Hehe. Ay buti nalang hindi pa napuputol mga daliri namin, maraming beses na kasi kami nagpapalit ng keyboard e. Thank God.


8.26.2008

Pagpapakilala

Ako si Jophiel. Hindi ka siguro maniniwala pero ako ay isang anghel. Mahaba ang istoryang ikukwento ko sa iyo kaya sisimulan natin mula sa pinakaumpisa.


Una sa lahat, ano ba ang isang araw para sa iyo? Ito ba ang pag-ikot ng mundo sa loob ng 24 oras o ang pag-ikot ng mundo ayon sa kinaroroonan mo? Magulo ba? Tao lang naman ang gumawa ng oras eh. Tao ba ang Diyos? Kung hindi, edi iba rin ang pagkatanaw niya sa isang araw. Matalas man ang utak ng tao ngunit marami pa rin ang hindi kayang intindihin nito.


Noong unang araw, nilikha ng Diyos ang liwanag at ang dilim. Alam mo na siguro ang kuwentong ito. Ngunit alam mo ba na ang isang araw ng Diyos ay higit pa sa isang bilyong taon sa atin? O malay mo ba kung may mahika ang Diyos na patigilin ang oras, walang imposible sa kanya.


Noong ikalawang araw, nilikha ng Diyos ang mga planeta at kung anu ano pang makikita mo diyan sa kalawakan. Dito niya pinaghiwalay ang langit na ang kanyang tirahan at ang lupa na wala pang nilalang.


Sa araw ding iyon, ginawan niya ng mga mamamayan ang langit para naman may kasama raw Siya doon. Ginawa niya agad ang mga nilalang na ito mula sa imahe niya at tinawag niyang mga anghel. Walang kasarian ang mga ito ngunit kay gaganda ng mga itsura ng mga ito. Ito ang kanyang mga anak na tinawag. Ang mga anghel na ito ay may kanya-kanyang rango. Ang pinakamababa ay ang mga Cherub. Ito ang mga anghel na maliliit lamang na mga kasin-laki ng mga sanggol at walang mga pakpak. Ang sumunod ay mga Cherubin na ganoon din ngunit may mga pakpak na. Sumunod ang Angel, sundalo ang katumbas sa militar, at ang Arc Angel, mga lieutenant ang katumbas sa militar. Kung may sundalo at lieutenant, syempre hindi mawawala ang four-star general at ang five-star general. Ang four-star general na ang anghel ay ang kaliwang kamay ng Diyos na pinangalanan niyang Jesus. At ang five-star general Niya ay ang Kanyang kanang kamay na Kanyang pinakaminamahal at pinakamagandang anghel ay nangangalang Lucifer. At doon natapos ang araw na iyon.

Sa ikatlong araw ay ginawa nia ang karagatan, lupa at mga halaman. Ang mga ito ang nagpaganda sa lugar na ito sapagkat nakita ko mismo nag mga mayayabong na mga halaman at matataas na mga puno. Green na green.

Sa ikaapat na araw naman nilikha ng Ama ko ay ang araw, mga makikinang na bagay na mkikita mo sa kalawakan; mga bituin at ang bilog na buwan. Sa ngayon ay marami nang taong nakaapak sa buwan. Hindi na sila nakuntento sa kagandahan nito kapag gabi at nag-abala pa silang makarating dito. Kung sabagay, ako rin naman ay minsan nang napadaan doon. Nakipag-picture-taking pa nga ako kasama ang aking matalik na kaibigan na si Harahel. Mas photogenic nga lang siya kaysa sa akin.

Noong ikalimang araw ng Diyos, doon nagkaroon ng mga gumagalaw at mga naglalakad na mga nilalang sa lugar na iyon. Sabi niya ang tawag daw sa mga yun ay hayop, ngunit mas gusto kong itawag ay monsters. Nung una niyang ginawa, ang papanget kasi para sa akin kasi puro kaliskis. May nalipad nga, nakakatakot naman. Ang lalaki pa ng mga insekto, nakakadiri. Tapos yung mga ubod ng laking mga monsters, kala mo pinakamagaling sa kanila, halaman lang pala kinakain. Tapos may isa dun nakain pa ng kapwa monster nia. Buti nalang nagbago paunti-unting nababago ang mga itsura nito habang gugalaw ang araw ng Diyos. May mga nawawala dahil hindi kayang mag-adapt, may mga humahaba ang leeg, lumiliit at iba pang morpomasyon. Hindi sila kasing-ganda ng mga tulad namin ngunit kakaiba ang paraan nila ng pamumuhay. Para silang walang utak at nagbabase lamang sa tinatawag na instinct.

Ako ay mahilig talagang magmasid sa mga ginagawa ni Daddy kasama nila Lucifer. Talagang kamangha-mangha dahil kumpleto na ang mundo. Ngunit bakit parang hindi pa rin natigil ang aming Ama sa kanyang paglilikha?

Noong ika-anim na araw, sinilip ko ulit ang ginagawa niya at kakaiba. Napansin kong kanina niya pa pinagmamasdan ang isang monster na sadyang kay talino. Nakita ko naglalakad ito gamit ang dalawang paa na may pagtulong din ng kamay pero may ginawa ang Diyos o kaya tinuro sa nilalang na ito upang maglakad sa dalawang paa na lamang. Ako'y nagulat at parang mga anghel ang mga ito ngunit mas mabuhok at hindi pa gaanong katalino. Habang nagpapalipas ng isang araw ang Diyos, unti-unti niyang hinubog ang nilalang na ito sa imahe niya at viola! Tao. Isang lalaki na kasing ganda ng mga anghel. Sa lalaking iyon, humugot si Ama ng buto mula sa tadyang nito at biglang nagkaroon ng isang babae. Kamangha-mangha! Ganoon din kaya ako nabuo? Hindi ko alam, hindi naman kasi nagkukuwento si Ama e.

Sandali lang, may nakita pa akong ginawa ang Diyos bago niya kausapin ang mga matatalinong tao na ito. Hiningahan niya ang mga ito at nagkaroon sila ng kaluluwa. KALULUWA! Sabi Niya sa akin, wala raw kami nito sapagkat ito ay hindi nasisira. Wala rin pala kaming pinagkaiba sa mga monster kasi tulad namin, wala ring kaluluwa ang mga ito. TAO LANG MERON NITO. Bakit ganoon?

Matapos ang araw na iyon ay nagpahinga na si Ama. Ngunit sa kabila noon, galit na galit si Lucifer dahil mas mahal pa raw ng Diyos ang mga TAOng nilikha Niya kaysa sa amin.

"""bakit ang mga tao may kaluluwa? Ibig sabihin pag nasira ang katawan nila, mabubuhay pa rin sila sapagkat hindi nasisira ang kaluluwa! Bakit tayo wala noon? ANO GUSTO NIYANG PALABASIN? Mas mahal Niya pa ang mga tao kaysa sa atin. Bakit ako wala nito? Ako ang kanang kamay niya. Ako ang pinakamalakas na anghel. Ako rin ang pinakamaganda. Bakit?!"


Iyan ang mga narinig ko kay Lucifer. Hindi man eksakto pero pareho lang ang nilalaman. Mukang galit na galit siya. Anu kaya ang gagawin niya? Kaming mga anghel, pag pinatay ay wala nang pupuntahan pa. Kame ay parang mga monster na walang mangyayari kapag namatay. Kami ay may hangganan. Kami ay may katapusan ngunit bakit ang mga tao, biniyayaan ni Ama ng walang hanggang buhay?