8.26.2008

Pagpapakilala

Ako si Jophiel. Hindi ka siguro maniniwala pero ako ay isang anghel. Mahaba ang istoryang ikukwento ko sa iyo kaya sisimulan natin mula sa pinakaumpisa.


Una sa lahat, ano ba ang isang araw para sa iyo? Ito ba ang pag-ikot ng mundo sa loob ng 24 oras o ang pag-ikot ng mundo ayon sa kinaroroonan mo? Magulo ba? Tao lang naman ang gumawa ng oras eh. Tao ba ang Diyos? Kung hindi, edi iba rin ang pagkatanaw niya sa isang araw. Matalas man ang utak ng tao ngunit marami pa rin ang hindi kayang intindihin nito.


Noong unang araw, nilikha ng Diyos ang liwanag at ang dilim. Alam mo na siguro ang kuwentong ito. Ngunit alam mo ba na ang isang araw ng Diyos ay higit pa sa isang bilyong taon sa atin? O malay mo ba kung may mahika ang Diyos na patigilin ang oras, walang imposible sa kanya.


Noong ikalawang araw, nilikha ng Diyos ang mga planeta at kung anu ano pang makikita mo diyan sa kalawakan. Dito niya pinaghiwalay ang langit na ang kanyang tirahan at ang lupa na wala pang nilalang.


Sa araw ding iyon, ginawan niya ng mga mamamayan ang langit para naman may kasama raw Siya doon. Ginawa niya agad ang mga nilalang na ito mula sa imahe niya at tinawag niyang mga anghel. Walang kasarian ang mga ito ngunit kay gaganda ng mga itsura ng mga ito. Ito ang kanyang mga anak na tinawag. Ang mga anghel na ito ay may kanya-kanyang rango. Ang pinakamababa ay ang mga Cherub. Ito ang mga anghel na maliliit lamang na mga kasin-laki ng mga sanggol at walang mga pakpak. Ang sumunod ay mga Cherubin na ganoon din ngunit may mga pakpak na. Sumunod ang Angel, sundalo ang katumbas sa militar, at ang Arc Angel, mga lieutenant ang katumbas sa militar. Kung may sundalo at lieutenant, syempre hindi mawawala ang four-star general at ang five-star general. Ang four-star general na ang anghel ay ang kaliwang kamay ng Diyos na pinangalanan niyang Jesus. At ang five-star general Niya ay ang Kanyang kanang kamay na Kanyang pinakaminamahal at pinakamagandang anghel ay nangangalang Lucifer. At doon natapos ang araw na iyon.

Sa ikatlong araw ay ginawa nia ang karagatan, lupa at mga halaman. Ang mga ito ang nagpaganda sa lugar na ito sapagkat nakita ko mismo nag mga mayayabong na mga halaman at matataas na mga puno. Green na green.

Sa ikaapat na araw naman nilikha ng Ama ko ay ang araw, mga makikinang na bagay na mkikita mo sa kalawakan; mga bituin at ang bilog na buwan. Sa ngayon ay marami nang taong nakaapak sa buwan. Hindi na sila nakuntento sa kagandahan nito kapag gabi at nag-abala pa silang makarating dito. Kung sabagay, ako rin naman ay minsan nang napadaan doon. Nakipag-picture-taking pa nga ako kasama ang aking matalik na kaibigan na si Harahel. Mas photogenic nga lang siya kaysa sa akin.

Noong ikalimang araw ng Diyos, doon nagkaroon ng mga gumagalaw at mga naglalakad na mga nilalang sa lugar na iyon. Sabi niya ang tawag daw sa mga yun ay hayop, ngunit mas gusto kong itawag ay monsters. Nung una niyang ginawa, ang papanget kasi para sa akin kasi puro kaliskis. May nalipad nga, nakakatakot naman. Ang lalaki pa ng mga insekto, nakakadiri. Tapos yung mga ubod ng laking mga monsters, kala mo pinakamagaling sa kanila, halaman lang pala kinakain. Tapos may isa dun nakain pa ng kapwa monster nia. Buti nalang nagbago paunti-unting nababago ang mga itsura nito habang gugalaw ang araw ng Diyos. May mga nawawala dahil hindi kayang mag-adapt, may mga humahaba ang leeg, lumiliit at iba pang morpomasyon. Hindi sila kasing-ganda ng mga tulad namin ngunit kakaiba ang paraan nila ng pamumuhay. Para silang walang utak at nagbabase lamang sa tinatawag na instinct.

Ako ay mahilig talagang magmasid sa mga ginagawa ni Daddy kasama nila Lucifer. Talagang kamangha-mangha dahil kumpleto na ang mundo. Ngunit bakit parang hindi pa rin natigil ang aming Ama sa kanyang paglilikha?

Noong ika-anim na araw, sinilip ko ulit ang ginagawa niya at kakaiba. Napansin kong kanina niya pa pinagmamasdan ang isang monster na sadyang kay talino. Nakita ko naglalakad ito gamit ang dalawang paa na may pagtulong din ng kamay pero may ginawa ang Diyos o kaya tinuro sa nilalang na ito upang maglakad sa dalawang paa na lamang. Ako'y nagulat at parang mga anghel ang mga ito ngunit mas mabuhok at hindi pa gaanong katalino. Habang nagpapalipas ng isang araw ang Diyos, unti-unti niyang hinubog ang nilalang na ito sa imahe niya at viola! Tao. Isang lalaki na kasing ganda ng mga anghel. Sa lalaking iyon, humugot si Ama ng buto mula sa tadyang nito at biglang nagkaroon ng isang babae. Kamangha-mangha! Ganoon din kaya ako nabuo? Hindi ko alam, hindi naman kasi nagkukuwento si Ama e.

Sandali lang, may nakita pa akong ginawa ang Diyos bago niya kausapin ang mga matatalinong tao na ito. Hiningahan niya ang mga ito at nagkaroon sila ng kaluluwa. KALULUWA! Sabi Niya sa akin, wala raw kami nito sapagkat ito ay hindi nasisira. Wala rin pala kaming pinagkaiba sa mga monster kasi tulad namin, wala ring kaluluwa ang mga ito. TAO LANG MERON NITO. Bakit ganoon?

Matapos ang araw na iyon ay nagpahinga na si Ama. Ngunit sa kabila noon, galit na galit si Lucifer dahil mas mahal pa raw ng Diyos ang mga TAOng nilikha Niya kaysa sa amin.

"""bakit ang mga tao may kaluluwa? Ibig sabihin pag nasira ang katawan nila, mabubuhay pa rin sila sapagkat hindi nasisira ang kaluluwa! Bakit tayo wala noon? ANO GUSTO NIYANG PALABASIN? Mas mahal Niya pa ang mga tao kaysa sa atin. Bakit ako wala nito? Ako ang kanang kamay niya. Ako ang pinakamalakas na anghel. Ako rin ang pinakamaganda. Bakit?!"


Iyan ang mga narinig ko kay Lucifer. Hindi man eksakto pero pareho lang ang nilalaman. Mukang galit na galit siya. Anu kaya ang gagawin niya? Kaming mga anghel, pag pinatay ay wala nang pupuntahan pa. Kame ay parang mga monster na walang mangyayari kapag namatay. Kami ay may hangganan. Kami ay may katapusan ngunit bakit ang mga tao, biniyayaan ni Ama ng walang hanggang buhay?