Sobrang swerte ng ibang tao ngayon.
Yung mga ignorante, namumuhay para magsaya,
Harapin mga problema at magpakasaya ulit.
‘yung mga tipong walang pakielam.
Mas masaya sila. Mas kaunting nalalaman,
Mas masayang nabubuhay.
Buti pa sila.
Kuntento sa buhay. Kuntento sa pamilya. Kuntento sa Diyos.
Hindi man lang sila nagprotesta sa konsepto ng mga pagsusulit at ang uri ng pag-aaral sa paaralan.
May tanong ako.
Ba’t kailangan pang magbigay ng ‘sang katutak na konsepto at termino na ipapamemorya? Siguro natanong mo na rin yan. Lalo na kung naisip mo na hindi mo na rin naman magagamit ang mga bagay na iyong kinabisado sa reyalidad.
Bakit pa nga ba kailangan?
Oo, maganda nga na itinuturo sa atin ang mga iyon. Sa paraang ito, napapansin ko na nagkokonekta ang mga bagay na yan sa tunay na mundo. Binabawasan lang nila ang kuriyosidad natin sa mga bagay. Binabawasan nila ang ating mga katanungan.
Oo nga naman, kapag alam mo na kung saan gawa ang isang bagay, ano komposisyon nito, paano ito nagawa at ano ang kasaysayan nito ay kuntento ka na. Hindi ka na siguro hihirit pa.
Pero bakit hindi nalang ituro ng mga guro ang mga konsepto sa paraan na ang mga pagsusulit ay parang mga “essay” na ang tanong lang e kung ano ba ang natutunan mo tungkol sa konseptong tinuro nung araw na iyon.
Mas maganda pa nga kapag “oral” ang pagsusulit e. Lalapit ka sa guro mo sabay magkukuwento ka tungkol sa nalaman mo. Tapos!
Wala nang memorize.
Wala nang review.
Makinig ka lang, ay voila!
May natutunan ka na!
Simpleng paraan lang pero siguradong may papasok sa utak mo.
Ganyan dapat ang mga paaralan.
Bakit hindi nalang ganun?
Lalo pa nila pinapahirapan ang lahat.
Simple lang ng buhay, tayo lang nagpapakumplikado nito.
“Hindi naman sa grado sinusukat ang tunay na talino e!”
“Talaga? E saan?”
Oo nga naman. Kung hindi sa grado, edi saan? Baka naman sinasabi mo lang yan para hindi ka malungkot ng sobra sobra sa grado mong 70 sa Math.
Pero hindi nga. Ano nga ba ang batayan ng tunay na talino? Ang mga pilosopo ba ang pinakamatalinong mga tao sa mundo? Pero kung sila nga, bakit mas marami pa silang tanong kaysa sa isang normal na tao? At bakit tingin ng mga pilosopo sa kanilang mga sarili ay mga mangmang o mga bobo?
Nasusukat ba ang talino sa karamihan ng iyong kaalaman? Sa galing mo magsalita? Sa mabulaklak mong bukabularyo? Sa dami ng iyong mga naranasan? Sa bilis mo bang magkabisa? Sa laki ba ng kapasidad ng iyong memorya?
Saan nga ba?
Nasa iyo na yan kung ano ang gusto mong paniwalaan. Kung saan ka masaya, edi dun ka! Simple lang ang buhay. Pahihirapan mo pa sarili mo. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Huwag kang papaapekto sa mga sinsabi ng iba. Malilito ka lang dun e! At huwag mo rin pilitin ang iba maniwala sa pinaniniwalaan mo. Iyon ang pinakamalaking katangahan na gagawin mo. Ang pamimilit. Huwag na kung masaya ka naman eh.
Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang mamatay na ignoranteng masaya, kaysa sa malungkot na litung-lito dahil sa dami ng kaalaman na hindi na alam ang paniniwalaan.




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento